12092007199.jpg

Social Responsibility Program
Home | Department of Surgery | My accomplishments | Medical anecdotal reports | Medical Photography | My Resume

Ano ang MELAMINE?  

1.       Ano nga ba ang gatas na nakalalason?

 Ito ay ang gatas na may halong  'MELAMINE'

- Saan ba ginagamit ang Melamine?

 

Ito ay isang kemikal na ginagamit sa pagawa ng  mga plato o melawares

      Ginagamit din itong pangdekorasyon sa bahay


    Hindi ito pwedeng Kainin.

 

2.  Bakit inihahalo ang melamine sa gatas?

Ang pinakaimportanteng sustansya sa gatas ay protina.

Ang Melamine ay may katulad na protina na may nitrogen.

Ang Gatas na may melamine ay mas mura ang produksyon kaya mas malaking kita para sa mga negosyante.

Hindi mapapasin ang gatas na may melamine dahil ito ay walang amoy.

Ito ay malalaman lamang kung ieeksamen sa laboratory.

3.  Kailan ito nadiskubre?


Noong  2007, maraming aso at pusa ang namatay sa amerika.

Base sa pagsusuri ang mga pagkain ng alagang hayop buhat sa China ay may melamine.


Taong 2008, Nabalita ang biglaang pagtaas ng kaso ng mga sanggol na may bato sa kidney sa China.

Noong Agosto  2008, ang Sanlu Milk Powder galling China ay positibo sa Melamine

Noong Sept. 2008, ang gobyerno ng New Zealand nakipagugnayan sa China
para imbestigahan ang problema

Noong Sept. 21, 2008, ang mga produktong pagkain galing  Taiwan ay positibo din sa  Melamine.


4.  Ano ang mangyayari kapag nakakain ng melamine?


Ang Melamine ay masasala sa kidney mabubuo na bato (kidney stone) na maaaring bumara at maging dahilan ng pagkasira ng kidney.

Sa China,tinatayang 13,000 sanggol na ang naospital dahil sa melamine.

Hindi importante kung gaano karami ang makain na melamine.

 

    Ito ay hindi dapat kainin!


5.  Ano anong pagkain ang dapat iwasan?


Ang mga pagkain na may halong gatas.

 6. Ano  na ngayon ang dapat nating gawin?

Iwasan ang mga pagkaing may gatas  sa loob ng 6 na buwan.

Huwag muna magbenta na mga pagkain na may halong gatas galing china.

Iwasan muna magpadede ng sanggol gamit and pulbos na gatas. Gumamit muna ng gatas ng ina.

Ibalita ang impormasyong ito sa iyong mga kaibigan.

 

Roberto N. Gonzales Jr MD

OMMC Department of Surgery

 

Enter supporting content here

My Journal

of

General Surgery Internet-Aided Residency Training Program

in

Ospital ng Maynila Medical Center





Roberto N. Gonzales Jr., MD